KADAHILANAN SA PAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO NG MGA UNANG
TAONG MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG EDUKASYON-BSED SA UNIBERSIDAD
NG CEBU-LAPU-LAPU AT MANDAUE SA UNANG SEMESTRE,
TAONG-AKADEMIKO 2013-2014
Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng
Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon,
Unibersidad ng Cebu-Lapu-lapu at Mandaue
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan
ng Asignaturang Filipino 37, Pananaliksik at
Pagsulat ng Pamanahong Papel sa Filipino
nina
Red, Pretzel Ann G.
Tisoy, Roselyn I.
Rebuton, Sr. Hernalyn U.
Mayor, Jocel
Obando, Jhoe Marie
Docil, Marricar
Oktubre, 2013
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang
Filipino 37, Pananaliksik at Pagsulat ng Pamanahong Papel sa Filipino, ang
pamanahong papel na ito na pinamagatang Kadahilanan sa Pagpapakadalubhasa sa
Filipino ng mga Unang Taong mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon-BSed sa
Unibersidad ng Cebu- Lapu-lapu at Mandaue sa Unang Semetre, Taong-Akademiko
2013-2014 ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik na binubuo
nina:
Pretzel Ann G. Red Jhoe
Marie Obando
Roselyn I. Tisoy Jocel
Mayor
Sr.
Hernalyn U. Rebuton Marricar
Docil
______________________________________________________________
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng
Edukasyon, Unibersidad ng Cebu- Lapu-lapu at Mandaue, bilang isa sa mga
pangangailangan sa asignaturang Filipino 37, Pananaliksik at Pagsulat ng
Pamanahong Papel sa Filipino.
VILMA R. MACOL ELNA
B. SABORNIDO
Instructor Puno
ng Departamento
Oktubre 31, 2013
PASASALAMAT
Taus-pusong
pasasalamat an gaming ipinaabot sa mga sumusunod na individwal at tanggapan
dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na
reyalizasyon ng pamanahong papel na ito:
- Kay Gng. Vilma R.
Macol, aming masipag at maunawaing guro sa Filipino, sa kanyang matamang
pagtuturo at paggabay sa pagsasagawa ng bawat hakbang ng pananaliksik at
pagsulat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel,
- Kay Gng. Elna B.
Sabornido, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, sa pagpapahintulot sa aming
makapagsarvey sa mga unang taong mag-aaral sa kolehiyo,
- Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang
pinaghanguan naming ng mahahalagang informasyong aming ginamit sa pagsulat ng
una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel na ito,
- Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng panahon upang
matapat na masagutan ang aming inihandang kwestyoner,
- Sa pamilya Red, sa
kanilang malawak na pag-unawa at mabuting pagtanggap sa amin sa kanilang
tahanan sa panahon ng paghahanda, pagsulat at pag-eenkowd sa kompyuter ng mga
burador at final na kopya ng papel na ito na madalas ay umaabot ng hating-gabi
o medaling araw,
- Sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at
pagpapahintulot sa aming umuwi sa oras na hindi naming kinagawian matapos
lamang ang papel na ito, at higit sa lahat,
- Sa Panginoon, sa pagdinig sa aming panalangin lalung-lalo na
sa sandaling kami’y pananghihinaan na ng pag-asang matatapos naming ito nang
maayos sa itinakdang-panahon.
Muli, maraming-maraming
salamat po!
-Mga Mananaliksik
No comments:
Post a Comment