Saturday, November 2, 2013

     KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.   Introduksyon


Pagka-gradweyt ng mga estudyante sa hayskul isang malaking hamon na naman para sa kanila ang pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo at kaakibat sa hamong ito ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang kanilang tatahakin o kurso ang kanilang pipiliin.
Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989), “Ang salitang career ay maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ng isang indibidwal.” Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagbibigay liwanag na ang karerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan at binuo ayon sa sariling kagustuhan at sa pangangailangan ng lipunan. Samakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong karera ang nais niyang tahakin.
Ang pagpili ng kurso para sa mga mag-aaral ay isang mahalagang bagay sapagkat dito nakasalalay ang pera ng kanilang mga magulang, ang paghihirap na ilalaan at higit sa lahat ang pagkakaroon nila ng magandang kinabukasan. At hindi natin maipagkakaila na isa ang kursong edukasyon na hindi mawawala sa listahan ng pagpipilian dahil na rin sa magagandang oportunidad at benepisyo na makukuha kung makapagtapos ng kursong ito.

Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon - bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ng mga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan.
Ayon sa Diksyunaryung Webster, ang guro ay isang tao na magtuturo o magbibigay instruksyon. Subalit, higit pa sa kahulugang iyon ang pagiging isang guro. Ang guro ay isang misyonaryo; halintulad ng Poong Maykapal na may awtoridad na gumawa ng espesyal na gawain para sa ikauunlad ng isang indibidwal na puno ng sensiridad, pagmamalasakit at pag-unawa. (Lorda Bacoco Dunemdez, 1996) Sa kabila ng katotohanan na ang pagiging guro ay hindi isang propesyon na magpapayaman sa isang indibidwal, may mga kabataan pa ding nagnanais na maging guro o kumuha ng kursong Edukasyon bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.

Pero bakit nga ba kung titingnan natin ang populasyon ng bawat Field of Specialization sa College of Teacher Education (CTE) Antas Sekondarya ay kakaunti lamang ang nagpakadalubhasa sa Filipino? Ano ba ang mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit sila kumuha ng Filipino?
Ilan lamang ang katanungang iyan na nag-udyok sa mga mananaliksik na gawin ang masusing pagsusuri at pananaliksik sa paksang ito.
2.   Layunin ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka sa pag-alam sa mga kadahilanan ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng Kolehiyo ng Edukasyon-BSed sa Unibersidad ng Cebu Lapu-lapu at Mandaue sa pagkuha nila ng Filipino bilang major.
Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak na mga katanungan:
1.    Ano ang bahagdan ng mga mag-aaral na kusang-loob na pinili ang kursong Edukasyon major sa Filipino?
2.    Ano ang kanilang saloobin sa asignaturang Filipino?
3.    Anong kasarian ang may mataas na bahagdan sa mga mag-aaral na pumili ng Filipino bilang major?
3.1 Bakit mas marami ang mga babaeng kumukuha ng major sa Filipino kaysa sa mga lalaki?
4.    Anu-anong mga salik ang nakaimpluwensya sa kanila na kumuha ng kursong Edukasyon major sa Filipino?
3.   Kahalagahan ng Pag-aaral


           Naniniwala ang mga mananaliksik na signifikant ang pag-aaral na ito. Para sa School Administrator ng Collage of Teacher Education sa Unibersidad ng Cebu Lapu-lapu at Mandaue na mapanatili at maiangat ang kalidad ng BSed major sa Filipino ng Collage of Teacher Educatuon. Sa pamamagitan ng bilang ng mga enrolees sa unang taon ng semestre na kumuha ng BSEd major in Filipino na may taglay na interes at pasyon sa asignaturang Filipino. Ito ay makatutulong sa kanila upang malaman ang kabuuan o bilang ng mga mag-aaral na ibig talagang pinili ang kursong Edukasyon major sa Filipino o napipilitan lamang dahil sa impluwensya ng iba.
            Sa mga guro ng Filipino, mapakikinabangan din ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagpili ng mga metodo at istilo na dapat gamitin sa pagtuturo ng asignaturang Filipno. Ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman kung paano nila gagabayan ang kanilang mga mag-aaral. Gayundin, kung paano nila matutulungan ang mga mag-aaral upang mahikayat na ipagpatuloy ang kursong nasimulan.
            Sa mga magulang naman, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mas maunawaan nila ang saloobin ng kanilang mga anak ukol sa kursong nais kunin, ang mga nakaimpluwensya sa kanila at ang dahilan kung bakit nila pinili ang kursong Edukasyon major sa Filipino.
Higit sa lahat, naniniwala ang mga mananaliksik na ito ay higit mapakikinabangan ng mga mag-aaral ng ng BSed major in Filipino. Sa pamamagitan ng mga datos mula sa pag-aaral na ito ay matugunan ang mga katanungan, kung bakit iilan lang ang mga kumuha ng Filipino bilang major at malalaman din nila na higit na kinakailangan ng gurong Filipino sa mga iba’t ibang paaralan. Ito rin ay makatutulong sa mga mag-aaral upang mabatid nila kung sila ba ay tunay na desidido sa kursong kanilang pinili.
 4. Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka sa pag-alam sa mga kadahilanan ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino bilang major. Saklaw nito ang pagsusuri ng mga personal at pangkaligirang varyabol na maaaring may kaugnayan sa pagpili nila nito katulad ng kusang-loob ba nilang pinili ito, saloobin sa asignatura, kasarian at mga salik na nakaimpluwensya sa kanila.
Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa isang Kolehiyo ng Edukasyon sa Unibersidad ng Cebu Lapu-lapu at Mandaue. At lalo pang nilimitahan ang pag-aaral na ito pagkat ito’y mayroon lamang apat na pu’t limang (45) respondenteng mag-aaral na kumukuha ng Edukasyon-BSed at pinili ang asignaturang Filipino bilang major na nasa unang taon, sa unang semester ng taong-akademikong 2013-2014.
5.   Definisyon ng mga Terminolohiya
Para sa layunin ng konvensyon at ganap na pag-unawa, ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng kaukulang operasyunal na definisyon, kung gayon, batay sa kung paano ginamit ang bawat salita sa pamanahong-papel na ito:
Ang mag-aaral o estudyante (student sa Ingles) ay siyang taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskubre ng mga bagay. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pagiging estudyante.
Ang guro ay ang nagtuturo sa mga aralin sa paaralan; taong ang propesyon ay magturo.
Ang salik ay mahahalagang sangkap o elemento.
Ang bahagdan ay isang reyso/antas na nagpapakilala sa bilang ng mga mag-aaral na kumukuha ng mayoryang Filipino.
Ang impluwensya ay mga bagay o pangyayari na nakaka-apekto sa isang desisyon, pasya o gawi.
Ang benepisyo ay mga bagay na mapapakinabangan o suporta.
Ang extrinsic ay pisikal na benepisyo o konkretong benepisyo tulad ng sahod at impluwensya. Ang intrinsic naman ay pansariling kasiyahan o personal na pagkakuntento.
Ang asignaturang Filipino ay isang asignaturang nagpapalawak sa ating kaalaman sa pagsulat at pagbasa. Lalong-lalo na sa pag-alam ng ating sariling kultura. Ito ay nakatutulong sa atin para tayo mabihasa sa ating wika at panitikan. Ang impluwensya ay isang lakas, puwersa o kapangyarihang nakapagbabago na nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay na naimpluwensyahan nito.
KADAHILANAN SA PAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO NG MGA UNANG TAONG MAG-AARAL SA KOLEHIYO NG EDUKASYON-BSED SA UNIBERSIDAD
NG CEBU-LAPU-LAPU AT MANDAUE SA UNANG SEMESTRE,
TAONG-AKADEMIKO 2013-2014



Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng
Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon,
Unibersidad ng Cebu-Lapu-lapu at Mandaue



Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan
ng Asignaturang Filipino 37, Pananaliksik at
Pagsulat ng Pamanahong Papel sa Filipino



nina

Red, Pretzel Ann G.
Tisoy, Roselyn I.
Rebuton, Sr. Hernalyn U.
Mayor, Jocel
Obando, Jhoe Marie
Docil, Marricar


Oktubre, 2013
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 37, Pananaliksik at Pagsulat ng Pamanahong Papel sa Filipino, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Kadahilanan sa Pagpapakadalubhasa sa Filipino ng mga Unang Taong mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon-BSed sa Unibersidad ng Cebu- Lapu-lapu at Mandaue sa Unang Semetre, Taong-Akademiko 2013-2014 ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik na binubuo nina:

Pretzel Ann G. Red                                                 Jhoe Marie Obando
Roselyn I. Tisoy                                                        Jocel Mayor
Sr. Hernalyn U. Rebuton                                        Marricar Docil


______________________________________________________________
Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Cebu- Lapu-lapu at Mandaue, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 37, Pananaliksik at Pagsulat ng Pamanahong Papel sa Filipino.

VILMA R. MACOL                                                                           ELNA B. SABORNIDO
     Instructor                                                                                      Puno ng Departamento



Oktubre 31, 2013

PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat an gaming ipinaabot sa mga sumusunod na individwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na reyalizasyon ng pamanahong papel na ito:

-       Kay Gng. Vilma R. Macol, aming masipag at maunawaing guro sa Filipino, sa kanyang matamang pagtuturo at paggabay sa pagsasagawa ng bawat hakbang ng pananaliksik at pagsulat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel,
-       Kay Gng. Elna B. Sabornido, Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, sa pagpapahintulot sa aming makapagsarvey sa mga unang taong mag-aaral sa kolehiyo,
-       Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan naming ng mahahalagang informasyong aming ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel na ito,
-       Sa aming mga respondente, sa paglalaan ng panahon upang matapat na masagutan ang aming inihandang kwestyoner,
-       Sa pamilya Red, sa kanilang malawak na pag-unawa at mabuting pagtanggap sa amin sa kanilang tahanan sa panahon ng paghahanda, pagsulat at pag-eenkowd sa kompyuter ng mga burador at final na kopya ng papel na ito na madalas ay umaabot ng hating-gabi o medaling araw,
-       Sa aming kani-kaniyang pamilya, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa aming umuwi sa oras na hindi naming kinagawian matapos lamang ang papel na ito, at higit sa lahat,
-       Sa Panginoon, sa pagdinig sa aming panalangin lalung-lalo na sa sandaling kami’y pananghihinaan na ng pag-asang matatapos naming ito nang maayos sa itinakdang-panahon.

Muli, maraming-maraming salamat po!

                                                                                                            -Mga Mananaliksik



Sunday, February 3, 2013

HAIKU SA TAGALOG

HAIKU NG PAG-ASA

"BAGONG UMAGA
SA BUHAY NI MARIA
NGITI NA SINTA"

HALIMBAWA NG AKDANG BAYOGRAPIKAL

"BUOD NG NOLI ME TANGERE"

NI DR. JOSE RIZAL

AKLAT NG NOBELANG NOLI ME TANGERE


Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago.

Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama.

Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso.

Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang gagawin.

Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.

Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan.

Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na maipagtanggol niya ang isang bata sa kamay ng isang kubrador na kastila na nananakit sa bata. Nang magtangka ang kastila ay naitulak niya ito na siyang ikinabagok ng kanyang ulo at sanhi ng kanyang kamatayan.

Nabilanggo si Don Rafael sa iba’t-ibang kasong isinakdal sa kanya. Siya ay nagkasakit sa bilangguan at namatay. Iniutos ni Padre Damaso na ipahukay ang kanyang bangkay at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil umuulan noon ay hindi na nagawang ilipat ng libingan ang matanda at sa halip ay ipinasyang itapon na lamang ng tagapaglibing sa lawa ng Laguna.

Hindi na naghiganti ang binata matapos marinig ang pangyayari sa kanyang ama sa haliup ay ninais niyang ipagpatuloy na lamang ang mabuti nitong gawa ng magpasya siyang magpatayo ng paaralan na moderno at katumbas nang nasa bansang Alemanya.

Isang lalaki ang sinuhulan upang pagtangkaan si Ibarra sa araw mismo ng pagbabasbas ng batong panulukan ng kanyang paaralan. Nailigtas ni Elias si Ibarra at ang lalaking nasuhulan ang nahulugan ng bato na siyan itong kinamatay.

Sa hapag-kainan kung saan naroroon ang mga panauhin ni Ibarra ay muling hinamak ni Padre damaso ang kanyang ama na siyang naging dahilan ng kanyang galit. Sinunggaban niya ang pari at tinutukan niya ng kutsilyo subalit naawat siya ni Maria Clara.

Naging eskomulgado angb inata o itinawalag siya ng Arsobispo ng simabhan sa pangyayaring iyon. Dahil dito ay hiniling ni Padre Damaso kay Kapitan Tyago na ipakasal si Maria Clara sa isang kastilang nagngangalang Linares sa halip na kay Ibarra.

Ikinasama ito ng kalusugan ni Maria Clara. Ilang araw din siyang naratay sa karamdaman.

Nilakad ni Ibarra ang pagkawalang bisa ng pageskomulgado sa kanya at sa tulong ng Kapitan Heneral ay binawi ng Arsobispo ito at muli siyang tinanggap sa simabahan. Hindi pa ganap ang kasiyahan ni Ibarra ay nadawit na naman siya sa isang kaguluhang ibinintang s akanya matapos looban ang kwartel ng sibil, walang katibayang siya ang namuno rito kung kayat binalewala ang bintang na ito sa kanya. Kinausap siya ni Elias upang pamunuan ang pag-aalsa sa mga kastila ng taong bayan subalit tumanggi siya at nagsabing hindi siya naniniwala sa gayong paraan.

Gayunman, muli siyang nasangkot ng gamitin ang sulat niya kay Maria Clara bago siya tumungo sa Europa kahit wala naman talagang kaugnayan ito sa mga paghihimagsik na nagaganap sa bayan.

Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Naganap ito habang nangyayari ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tyago. Ang hapunang iyon ay ukol sa pag-iisiang dibdib ni Linares at Maria Clara.

Sinadya ng binata si Maria Clara bago ito tuluyang tumakas, sinumbat ng binata kay Maria Clara ang pagkakanulo nito sa kanya sa pag-aabot ng sulat sa hukuman subalit itinanggi ito ni Maria Clara at sinabing siya ay tinakot lamang. At ang mga sulat ay naging kapalit ng 2 sulat na ginawa ng kanyang ina bao pa siya pinanganak. Ang mga sulat na iyon ay natagpuan ni Padre Salvi, sulat na nagpapatotoo na si Maria Clara ay anak ng kanyang ina kay Padre Damaso.

Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal sa binata kahit siya ay papakasal kay Linares.

Sakanilang pagtakas sa tulong ni Elias, pinahiga niya si Ibarra sa bangka at tinabunan ng damo, binagtas nila Ilog Pasig hanggang sa marating ang lawa ng Laguna. Naabutan sila roon ng mga sibil, upang iligtas ang binata ay lumukso si Elias sa tubig at doon siya napaulanan ng bala. Nangmamula ang lawa ay iniwan sila ng sibil sa pag-aakalang ang kanilang napatay ay ang binatang si Ibarra.

Nang mabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang di umano’y sinait ng kanyang kasintahan ay hiniling nitos a kanyang ama na si Padre Damaso na payagan siyang magmongha kung hindi ay magpapakamatay siya.

Matapos ay ikalawang araw ay sinapit ni Elias ang maalamat na bundok ng mga Ibarra, nochebuena noon, sugatan at naghihingalo, humarap siya sa silangan at waring nagdadasal na binigkas

“Mamamatay akong hindi nasisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan, Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi.”