Saturday, February 2, 2013

Lathalain Tungkol sa Pag-ibig



Ang buhay ay puno ng mga pagsubok at pagkabigo lalo na kung tayo ay nasa isang relasyon. Iyong akala mo ay “happy ending” na kayo, na sa simbahan na ang tuloy ng inyong pagmamahalan o di kaya ay perpekto na sana ....ngunit may isang pagsubok na darating na siyang makapagpapabago ng lahat. Minsan sa paghihiwalay ng magkasintahan, silang dalawa ang nahihirapan. Talagang mahirap kalimutan ang nakaraan lalo na kung ito ay puno ng mga masasayang alaala ng taong minahal ngunit nanakit sayo. Madaling sabihin ang salitang “move on” ngunit ito ay napakahirap gawin. Hindi sa isang iglap lang ay makakalimutan mo na lahat, ito ay nangangailangan ng mahabang panahon at dahan-dahang hakbang tungo sa pagbangon muli. Hindi kaagad naghihilom ang sugatang puso kaya meron akong mga tips upang makatulong sa mga nabigo sa pag-ibig, sa mga nagpupumilit makalimut at sa mga umaasa na  maghilum ang sugatang puso. Narito ang ilang mga paraan upang makalimutan ang iyong dating kasintahan:

1. Isa sa mga pinakamahirap gawin ngunit epektibo ay ang pagputol sa komunikasyon na nag-uugnay sa iyo sa kanya. I know that this is a torture pero sa simula lang ito. Makikita mo rin ang benefits nito in the long run. Ano bang mga bagay ang nag-uugnay sa iyo sa dating kasintahan? Friend mo ba siya sa facebook, mas maiging burahin na siya sa iyong friend's list. May cellphone number ka pa ba niya at mga messages sa inbox na naka-store? Burahin mo na ito. Magpalit ng sim card kung kinakailangan. Anumang bagay na nag-uugnay sa iyo sa kanya, kung nais mo talagang makapagmove on nang mabilisan ay maaga pa lang ay putulin mo na.

2. Itapon, burahin, at alisin mo ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya. Kung meron man siyang mga sulat na ibinigay sayo o di kaya’y mga regalo at mga litrato maiging itago mo ito at ilayo sa’yo o mas mabuti na sunugin na lang ito para siguradong wala nang bagay na makakapagpaalaala sayo sa kanya.
3. Huwag magbukas at makinig sa mga paksa tungkol sa iyong ex o kaya’y mga paksa tungkol sa paghihiwalay at pagbabalikan dahil baka sa huli ay aasa ka na naman.

4. Huwag nang ipilit pa ang hindi na pwedeng mangyari. Ihinto mo na ang ilusyon na minsan kahit isang lingo ay pwede pa kayong magkasama o mag stroll sa mall o mag date kaya sa paborito ninyong restaurant. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit kayo naghiwalay, at may mabigat na rason kung bakit ito nangyari. Kung nais mo talaga siyang kalimutan, higit mong isipin ang mga pangit na nangyari sa inyo sa nakalipas kaysa sa mga matatamis na alaalang kasama siya.

5. Hindi naman talaga madaling gawin ito nang mag-isa, kaya't simulan mong gumimik kasama ang iyong mga kaibigan, makipagbonding sa iyong mga kapamilya at simulang muling maghanap ng mga bagong makikilala. Malay mo isa sa mga bagong kakilala na ito ang maging bago mong pag-ibig. You can never tell. Ngunit sa kabilang banda ay iwasan mo ang mga kaibigan o kakilala na nag-uugnay sa iyo sa dating kasintahan. Maaari kasing tuksuhin ka nilang muli na balikan ang dating bf/gf, hindi sila makakatulong sa iyo at ito ang dapat mong tanggapin.

6.  Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new life.

7.  At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa mga lalaki, pwede mong subukan na magpakalbo o magpahaba ng buhok, depende kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look. Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kung babagay sa iyo, mag work out, mag diyeta at iba pang bagay na magbibigay enhancement sa iyong physical looks. Your new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.

“Kung iniwan ka ng taong mahal mo, wag kang masyadong OA na tipong gusto mo nang magpakamatay dahil nawala siya. Ano siya internal organ mo na kapag nawala, mawawala na din ang buhay mo? Ok lang umiyak pero wag sobra, Ok lang malungkot pero wag lang sobra. Maraming taong nagmamahal sayo.  May mga basura talagang hindi dapat irecycle tulad ng taong nang-iwan o nanloko sayo. Basura will always be a basura. It’s up to you kung pupulutin mo, then I will call you a BASURERA o BASURERO.” Kung hindi ka niya priority, edi dapat ganun ka din sa kanya para quits lang.
Sabi nga, hindi nga ganun kadali ang makalimutan ang nakalipas lalo na't kung nagdulot ito sa iyo ng saya, ligaya, tamis at inspirasyon. Ang mahalaga naman ay naghanap ka ng paraan para makalimot at sumubok kang harapin ang bagong buhay sa positibong paraan nang wala siya. Tandaan lang na “Love is a slow dance.” Huwag magmadali at huwag pangunahan para walang pagsisisihan. Kung nasaktan ka man sana’y magsilbing aral iyon sayo siguro’y hindi siya ang taong nakalaan para sa iyo. Huwag kang tumigil sa pagmamahal sabi nga ni Kris Aquino, “LOVE, LOVE, LOVE.”



1 comment: