Isang blog na maghahatid sa inyo ng mga impormasyon tungkol sa wikang Filipino na magagamit niyo sa inyong pag-aaral.
Wednesday, February 27, 2013
Monday, February 4, 2013
Trailblazers ng Wika: BATING PANG-UMAGA
Trailblazers ng Wika: BATING PANG-UMAGA: MAGANDANG UMAGA! BAGONG UMAGA! BAGONG PAG-ASA ^_^ NAG-ARAL NA BA KAYO?
Sunday, February 3, 2013
HALIMBAWA NG AKDANG BAYOGRAPIKAL
"BUOD NG NOLI ME TANGERE"
NI DR. JOSE RIZAL
AKLAT NG NOBELANG NOLI ME TANGERE |
Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago.
Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama.
Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso.
Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang gagawin.
Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.
Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan.
Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na maipagtanggol niya ang isang bata sa kamay ng isang kubrador na kastila na nananakit sa bata. Nang magtangka ang kastila ay naitulak niya ito na siyang ikinabagok ng kanyang ulo at sanhi ng kanyang kamatayan.
Nabilanggo si Don Rafael sa iba’t-ibang kasong isinakdal sa kanya. Siya ay nagkasakit sa bilangguan at namatay. Iniutos ni Padre Damaso na ipahukay ang kanyang bangkay at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil umuulan noon ay hindi na nagawang ilipat ng libingan ang matanda at sa halip ay ipinasyang itapon na lamang ng tagapaglibing sa lawa ng Laguna.
Hindi na naghiganti ang binata matapos marinig ang pangyayari sa kanyang ama sa haliup ay ninais niyang ipagpatuloy na lamang ang mabuti nitong gawa ng magpasya siyang magpatayo ng paaralan na moderno at katumbas nang nasa bansang Alemanya.
Isang lalaki ang sinuhulan upang pagtangkaan si Ibarra sa araw mismo ng pagbabasbas ng batong panulukan ng kanyang paaralan. Nailigtas ni Elias si Ibarra at ang lalaking nasuhulan ang nahulugan ng bato na siyan itong kinamatay.
Sa hapag-kainan kung saan naroroon ang mga panauhin ni Ibarra ay muling hinamak ni Padre damaso ang kanyang ama na siyang naging dahilan ng kanyang galit. Sinunggaban niya ang pari at tinutukan niya ng kutsilyo subalit naawat siya ni Maria Clara.
Naging eskomulgado angb inata o itinawalag siya ng Arsobispo ng simabhan sa pangyayaring iyon. Dahil dito ay hiniling ni Padre Damaso kay Kapitan Tyago na ipakasal si Maria Clara sa isang kastilang nagngangalang Linares sa halip na kay Ibarra.
Ikinasama ito ng kalusugan ni Maria Clara. Ilang araw din siyang naratay sa karamdaman.
Nilakad ni Ibarra ang pagkawalang bisa ng pageskomulgado sa kanya at sa tulong ng Kapitan Heneral ay binawi ng Arsobispo ito at muli siyang tinanggap sa simabahan. Hindi pa ganap ang kasiyahan ni Ibarra ay nadawit na naman siya sa isang kaguluhang ibinintang s akanya matapos looban ang kwartel ng sibil, walang katibayang siya ang namuno rito kung kayat binalewala ang bintang na ito sa kanya. Kinausap siya ni Elias upang pamunuan ang pag-aalsa sa mga kastila ng taong bayan subalit tumanggi siya at nagsabing hindi siya naniniwala sa gayong paraan.
Gayunman, muli siyang nasangkot ng gamitin ang sulat niya kay Maria Clara bago siya tumungo sa Europa kahit wala naman talagang kaugnayan ito sa mga paghihimagsik na nagaganap sa bayan.
Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Naganap ito habang nangyayari ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tyago. Ang hapunang iyon ay ukol sa pag-iisiang dibdib ni Linares at Maria Clara.
Sinadya ng binata si Maria Clara bago ito tuluyang tumakas, sinumbat ng binata kay Maria Clara ang pagkakanulo nito sa kanya sa pag-aabot ng sulat sa hukuman subalit itinanggi ito ni Maria Clara at sinabing siya ay tinakot lamang. At ang mga sulat ay naging kapalit ng 2 sulat na ginawa ng kanyang ina bao pa siya pinanganak. Ang mga sulat na iyon ay natagpuan ni Padre Salvi, sulat na nagpapatotoo na si Maria Clara ay anak ng kanyang ina kay Padre Damaso.
Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal sa binata kahit siya ay papakasal kay Linares.
Sakanilang pagtakas sa tulong ni Elias, pinahiga niya si Ibarra sa bangka at tinabunan ng damo, binagtas nila Ilog Pasig hanggang sa marating ang lawa ng Laguna. Naabutan sila roon ng mga sibil, upang iligtas ang binata ay lumukso si Elias sa tubig at doon siya napaulanan ng bala. Nangmamula ang lawa ay iniwan sila ng sibil sa pag-aakalang ang kanilang napatay ay ang binatang si Ibarra.
Nang mabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang di umano’y sinait ng kanyang kasintahan ay hiniling nitos a kanyang ama na si Padre Damaso na payagan siyang magmongha kung hindi ay magpapakamatay siya.
Matapos ay ikalawang araw ay sinapit ni Elias ang maalamat na bundok ng mga Ibarra, nochebuena noon, sugatan at naghihingalo, humarap siya sa silangan at waring nagdadasal na binigkas
“Mamamatay akong hindi nasisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan, Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi.”
Saturday, February 2, 2013
Lathalain Tungkol sa Pag-ibig
Ang buhay ay puno ng mga pagsubok at pagkabigo lalo na kung tayo ay nasa
isang relasyon. Iyong akala mo ay “happy ending” na kayo, na sa simbahan na ang
tuloy ng inyong pagmamahalan o di kaya ay perpekto na sana ....ngunit may isang
pagsubok na darating na siyang makapagpapabago ng lahat. Minsan sa paghihiwalay
ng magkasintahan, silang dalawa ang nahihirapan. Talagang mahirap kalimutan ang
nakaraan lalo na kung ito ay puno ng mga masasayang alaala ng taong minahal
ngunit nanakit sayo. Madaling sabihin ang salitang “move on” ngunit ito ay
napakahirap gawin. Hindi sa isang iglap lang ay makakalimutan mo na lahat, ito ay
nangangailangan ng mahabang panahon at dahan-dahang hakbang tungo sa pagbangon
muli. Hindi kaagad naghihilom ang sugatang puso kaya meron akong mga tips upang
makatulong sa mga nabigo sa pag-ibig, sa mga nagpupumilit makalimut at sa mga
umaasa na maghilum ang sugatang puso. Narito ang ilang mga paraan upang makalimutan
ang iyong dating kasintahan:
1. Isa sa mga
pinakamahirap gawin ngunit epektibo ay ang pagputol sa komunikasyon na
nag-uugnay sa iyo sa kanya. I know that this is a torture pero sa simula lang
ito. Makikita mo rin ang benefits nito in the long run. Ano bang mga bagay ang nag-uugnay
sa iyo sa dating kasintahan? Friend mo ba siya sa facebook, mas maiging burahin
na siya sa iyong friend's list. May cellphone number ka pa ba niya at mga
messages sa inbox na naka-store? Burahin mo na ito. Magpalit ng sim card kung
kinakailangan. Anumang bagay na nag-uugnay sa iyo sa kanya, kung nais mo talagang
makapagmove on nang mabilisan ay maaga pa lang ay putulin mo na.
2. Itapon,
burahin, at alisin mo ang mga bagay na makapagpapaalala sa kanya. Kung meron
man siyang mga sulat na ibinigay sayo o di kaya’y mga regalo at mga litrato
maiging itago mo ito at ilayo sa’yo o mas mabuti na sunugin na lang ito para
siguradong wala nang bagay na makakapagpaalaala sayo sa kanya.
3. Huwag magbukas
at makinig sa mga paksa tungkol sa iyong ex o kaya’y mga paksa tungkol sa
paghihiwalay at pagbabalikan dahil baka sa huli ay aasa ka na naman.
4. Huwag nang
ipilit pa ang hindi na pwedeng mangyari. Ihinto mo na ang ilusyon na minsan
kahit isang lingo ay pwede pa kayong magkasama o mag stroll sa mall o mag date
kaya sa paborito ninyong restaurant. Isipin mo na lang, may dahilan kung bakit kayo
naghiwalay, at may mabigat na rason kung bakit ito nangyari. Kung nais mo
talaga siyang kalimutan, higit mong isipin ang mga pangit na nangyari sa inyo
sa nakalipas kaysa sa mga matatamis na alaalang kasama siya.
5. Hindi naman
talaga madaling gawin ito nang mag-isa, kaya't simulan mong gumimik kasama ang iyong
mga kaibigan, makipagbonding sa iyong mga kapamilya at simulang muling maghanap
ng mga bagong makikilala. Malay mo isa sa mga bagong kakilala na ito ang maging
bago mong pag-ibig. You can never tell. Ngunit sa kabilang banda ay iwasan mo
ang mga kaibigan o kakilala na nag-uugnay sa iyo sa dating kasintahan. Maaari
kasing tuksuhin ka nilang muli na balikan ang dating bf/gf, hindi sila
makakatulong sa iyo at ito ang dapat mong tanggapin.
6. Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new life.
7. At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa mga lalaki, pwede mong subukan na magpakalbo o magpahaba ng buhok, depende kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look. Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kung babagay sa iyo, mag work out, mag diyeta at iba pang bagay na magbibigay enhancement sa iyong physical looks. Your new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.
6. Magsimulang mag-enjoy, magliwaliw, humanap nang mga pagkakaabalahan. Kahit nga sa bahay lang ay marami kang magagawa, maglinis, magluto at tumulong sa inyong family business kung mayroon man. Keep yourself busy at the same time enjoy your new life.
7. At dahil nga gusto mo nang makalimot. Subukan mong baguhin ang iyong looks. Try to re-invent yourself. Hindi lang artista ang meron nun pati rin mga broken-hearted. Sa mga lalaki, pwede mong subukan na magpakalbo o magpahaba ng buhok, depende kung anong bagay sa iyo. Pwede mo ring subukang baguhin ang estilo ng iyong pananamit. Dati ka bang emo? Bakit hindi mo subukang i-try ang plain and smart look. Sa mga babae, pwede kang magpaputol ng buhok kung babagay sa iyo, mag work out, mag diyeta at iba pang bagay na magbibigay enhancement sa iyong physical looks. Your new look represents your new life. Sa bagong buhay magsisimula ang bagong pag-ibig.
“Kung iniwan ka ng taong mahal mo, wag kang masyadong OA
na tipong gusto mo nang magpakamatay dahil nawala siya. Ano siya internal organ
mo na kapag nawala, mawawala na din ang buhay mo? Ok lang umiyak pero wag
sobra, Ok lang malungkot pero wag lang sobra. Maraming taong nagmamahal sayo. May mga basura talagang hindi dapat irecycle
tulad ng taong nang-iwan o nanloko sayo. Basura will always be a basura. It’s
up to you kung pupulutin mo, then I will call you a BASURERA o BASURERO.” Kung
hindi ka niya priority, edi dapat ganun ka din sa kanya para quits lang.
Sabi nga, hindi nga ganun kadali ang makalimutan ang nakalipas lalo na't
kung nagdulot ito sa iyo ng saya, ligaya, tamis at inspirasyon. Ang mahalaga
naman ay naghanap ka ng paraan para makalimot at sumubok kang harapin ang
bagong buhay sa positibong paraan nang wala siya. Tandaan lang na “Love is a
slow dance.” Huwag magmadali at huwag pangunahan para walang pagsisisihan. Kung
nasaktan ka man sana’y magsilbing aral iyon sayo siguro’y hindi siya ang taong
nakalaan para sa iyo. Huwag kang tumigil sa pagmamahal sabi nga ni Kris Aquino,
“LOVE, LOVE, LOVE.”
Subscribe to:
Posts (Atom)